GMA Logo Dahlia Amelia and Erwan Heussaff
Celebrity Life

Anne Curtis shares her new favorite morning view

By Jansen Ramos
Published November 27, 2020 3:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

15 ka balay, nasunog sa San Juan, Molo; malapit 50 ka indibidwal, apektado | One Western Visayas
Senate issues show cause order vs Zaldy Co, 5 others
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Dahlia Amelia and Erwan Heussaff


Dream come true para kay Anne Curtis na masaksihan ang cute moment nina Dahlia Amelie at Erwan Heussaff. Tingnan ito DITO:

Ishinare ni Anne Curtis sa social media ang kanyang new favorite view tuwing umaga.

Sa post ng actress at TV host, makikita ang larawan ng kanyang little girl na si Dahlia Amelie na pinapanood magluto ang kanyang amang si Erwan Heussaff habang sila ay nasa isang all-white kitchen kung saan tanaw ang dagat.

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)

Ani Anne, nagkatotoo ang pangarap niyang masaksihan ang cute moment na ito.

Sulat niya, "I used to always save videos I'd chance upon online of little girls cooking or singing with their papas.

"I'd rewatch them because they would make me so happy & it's just so adorable and heart warming.

"And now, I'm so kilig because I get to see my very own version every morning."

Marami ang namangha sa puting bahay na ipinost ni Anne pero nilinaw niya sa comments section na isa itong rental house sa Australia.

Anne Curtis and Karen Davila exchange messages

Ito rin ang parehong bahay sa previous post ni Anne kamakailan na talaga namang Instagrammable.

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)

Mahigit eight months nang naninirahan sina Anne at Erwan sa Australia simula noong isinilang ng Kapamilya star si Dahlia Amelie.

Samantala, narito ang iba pang precious moments nina Anne at Erwan kasama ang kanilang anak.