GMA Logo Jennica Garcia and Alwyn Uytingco with kids
Celebrity Life

Jennica Garcia, birthday wish na makahanap ng maraming job opportunity ang asawang si Alwyn Uytingco

By Jansen Ramos
Published December 27, 2020 1:08 PM PHT
Updated December 27, 2020 8:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Jennica Garcia and Alwyn Uytingco with kids


Ipinagdiwang ni Jennica Garcia ang kanyang 31st birthday noong December 26.

Ipinost ni Jean Garcia ang simpleng sorpresa ng kanilang pamilya sa panganay niyang si Jennica Garcia-Uytingco na nagdiwang ng kanyang 31st birthday kahapon, December 26.

Sa Instagram post ng batikang aktres, ibinahagi niya ang isang video kung saan makikitang kinakantahan nila ng birthday song si Jennica bago nito hipang ang kanyang birthday candles.

Walang enggradeng selebrasyon si Jennica pero makikita sa video na enjoy na enjoy siya sa kanyang simpleng birthday party sa bahay at sumasayaw-sayaw.

A post shared by Jean Garcia (@chic2garcia)

Sulat ni Jean sa kanyang birthday message para sa anak, "I love you so much and you know that!

"I am so proud of you with everything that you do, especially when you're so 'kalog' kasi 'yun ka talaga, which every time makes me very happy!"

Dagdag ni Jean, "I just want you to be someone who will always believe in yourself and will always be with your family no matter what.

"I Iove you honey with all my heart!!!"

Sa nasabing video, mapapanood din ang birthday wishes ni Jessica.

Kabilang riyan ang "mawala na ang COVID-19" para "bumalik na tayo sa normal."

Hiling din niya na magkaroon ng maraming job opportunity ang kanyang asawang si Alwyn Uytingco.

Hirit tuloy ni Alwyn, "Parang nakakapagod 'yung wish na 'yun."

Birong bulalas naman ni Jennica, "Sa kanya mo na lang ibato lahat para sitting pretty na lang ako, Lord."

Samantala, nagbigay din ng kanyang birthday message si Alwyn para sa kanyang maybahay.

A post shared by Alwyn S. Uytingco (@alwynzky)

Kalakip ng photo and video montage, sulat ni Alwyn, "Sa bawat photo at video dito, naaalala ko lahat ng pinagdaanan mo.

"Lahat ng mga experiment mo, mga hobby mo at pag aalaga sa mga bata, mga pamilya at mga kaibigan, sobrang na-appreciate ko.

"Kahit kabaliwan mo na 'di ko maintindihan.. okay lang!

"Ang mahalaga sa 'kin, masaya ka sa ginagawa mo.

"Gusto ko sana maabot lahat ng pangarap mo, Nay.

"At gusto ko na nasa tabi mo ako sa bawat hakbang na gagawin mo.

"I love you, you crazy witch!

"Happy Birthday @jennicauytingco !!!"

Ikinasal sina Jennica at Alwyn noong February 2014. Mayroon silang dalawang anak na sina Mori at Alessi.

Samantala, narito ang ilan sa mga larawang nagpapakita ng simpleng buhay nina Jennica at Alwyn kasama ang kanilang mga anak.