GMA Logo Neil Ryan Sese
Celebrity Life

Neil Ryan Sese, proud sa anak na tumulong sa kanyang seafood business

By Marah Ruiz
Published January 9, 2021 1:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Japan proposes record budget spending while curbing fresh debt
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Neil Ryan Sese


Proud si Neil Ryan Sese sa anak niyang tumulong sa kanyang seafood delivery business habang siya ay nasa lock-in taping.

Halos isang buwang namalagi sa lock-in taping ng katatapos lang na GMA Telebabad series na Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) si Kapuso actor Neil Ryan Sese.

Habang nasa taping, tumulong muna ang kanyang anak sa pagpapatakbo ng kanyang seafood delivery business na K&G Seafood.

Sa isang Instagram post, pinasalamatan ni Neil ang anak na si Kahlia sa pagtulong sa kanyang negosyo habang nasa taping pa siya.

Very proud daw si Neil na kahit 13 years old pa lang si Kahlia, naging responsable ito sa isang mahalagang bahagi ng kanyang negosyo.

"Last November-December, I had a 26 day lock-in taping in Batangas. My daughter, Kahlia, handled and took charge of the orders during this time. So proud of her for taking this on and for assisting me with @k_gseafood. Great job, Kling! Thank you for helping me with our business and Daddy, as always, is really proud of you! I love you, sweet one," sulat ni Neil sa kanyang post.

A post shared by neilsese (@neilsese)

Inilunsad ni Neil ang K&G Seafood noong simula ng pandemic bilang paraan para kumita habang wala pa siyang showbiz projects dahil sa lockdown.

Bilang isang bike enthusiast, si Neil pa mismo ang nagde-deliver ng mga seafood gamit ang kanyang bike.

"Walang taping, one month akong nasa bahay lang, wala namang income so labas ka lang ng labas ng pera. Medyo mauubos 'yung ipon mo.

"So naisip ko na magtayo ng negosyo. Parang, ano ba 'yung needs ng tao? Ano ba 'yung bibilhin nila?

"Naisip ko puwede 'yung seafood kasi naalala ko na may kaibigan ako na seafood dealer. 'Yun kinausap ko siya and nakipag-tie up ako sa kanya," kuwento ni Neil sa Padyak Exploration.

neilsese IG

Kalaunan, nagawa niyang i-expand ang negosyo at nakapag-hire pa ng ibang riders na nawalan ng trabaho dahil sa lockdown.

"Unang-una nakakataba talaga sa puso kasi natutulungan ko silang mga riders.

"Kasi noong una talaga, 'yung first few weeks nila, 'yung isa naluha pa kasi malaki na yung nakuha niya. Mga PhP850, parang ganun.

"Ang sarap lang nung feeling na nakakatulong ka sa tao," bahagi niya.

Marami na ring celebrity clients si Neil tulad nina DOTS PH co-stars Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado. Suki din niya sina Solenn Heussaff, Mylene Dizon, at Carmina Villarroel.

Kilalanin ang ibang celebrities na naglunsad ng business during the pandemic: