GMA Logo Manilyn Reynes and dad
Celebrity Life

Manilyn Reynes, taos-puso ang pasasalamat sa mga nakidalamhati sa pagpanaw ng ama

By Aedrianne Acar
Published February 4, 2021 2:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

UAAP: NU stuns UST, draw first blood in women's basketball finals
Barricade mulled below flyover, as DPWH sought to pay P1.9M debt

Article Inside Page


Showbiz News

Manilyn Reynes and dad


Yumao sa edad na 74 si Nelson Clarin Reynes, ang ama ni 'Pepito Manaloto' star Manilyn Reynes.

Sa kabila ng balitang pagpanaw ng ama ni Pepito Manaloto star Manilyn Reynes, buong-pusong hinaharap ni Mane ang malungkot na yugto na ito sa kanilang pamilya.

Matatandaan na kinumpirma ng versatile TV-movie actress noong Martes, February 2, na yumao na ang kanyang tatay na si Nelson Clarin Reynes noong January 29, 2021 sa edad na 74.

Sa Instagram post ngayon Huwebes ng tinaguriang Star of the New Decade noong '90s, nagpaabot siya ng pasasalamat sa lahat ng mga tao na nakidalamhati sa kanyang pamilya.

Sinulat ni Manilyn ang kanyang mensahe sa Bisaya at isa sa mga pinasalamatan niya ang mga doctor, nurse at caregivers na nagbigay kalinga sa kanyang Daddy Nelson.

“Dili na mi maka-tagsa-tagsa ninyo, but we want to thank you all for the messages, prayers and love. For the flowers, mass cards, prayer requests, and help you have extended, thank you. Daghang salamat kaninyong tanan sa pakigpahasubo kanamu. Sa doctors ug caregivers ni Daddy who have already become family, sa tanan nga amigo, amiga, paryente nga ni-bisita niya sa ospital ug sa bay sa una. Sa nurses nga nag-atiman niya na-admit man siya o ga-dialysis.”

Sa sumunod na bahagi ng kanyang Instagram post, hindi rin niya nakalimutan na pasalamatan ang kanyang pamilya, kapitbahay at mga kaibigan na dinamayan sila.

"Sa tanan nga ni-tan-aw niya sa katapusang higayon, nga ni-bilar, ni-adto sa simbahan ug sa lubung, sa mga nagpa-misa para kaniya, sa mga amigo namu nga pari, mga pag-umangkon, paryente, amigo, amiga nga ni-apil sa choir, sa mga nitabang sa ilahang mga kaugalingung pamaagi para pag-pahimutang sa tanan, mga igsoon, apuhan, uyu-an, iya-an, ig-agaw, pag-umangkon, mga silingan namu sa una, ug tanan nga paryente sa side nilang Daddy ug Mama, daghan gyud kaayong salamat ninyong tanan. "

Isang post na ibinahagi ni manilynreynes27 (@manilynreynes27)

Ilan pa sa mga katrabaho sa show business ni Manilyn ang nagpaabot din ng pakikiramay tulad ng Bubble Gang comedian na si Betong Sumaya, OPM singer na si Ogie Alcasid at aktres na si Ana Roces.

Photos taken from Manilyn Reynes s Instagram account

Hindi matatawaran ang pagmamahal ni Manilyn sa kanyang Daddy Nelson.

Noong October 2019, nag-viral ang duet nila ng kanyang Mommy Louching para sa kanyang ama habang kinakanta ang hit song ng Carpenters na may titulo na 'You.'

Heto at atin balikan naman ang ilan sa mga celebrities na yumao noong 2020 na siguradong mami-miss ng kanilang mga tagahanga sa gallery below.

Manilyn Reyes, sinabihang "OA" ang suot na face shield

LOOK: Manilyn Reynes and Aljon Jimenez's best-kept photos