GMA Logo zeinab harake
Celebrity Life

Zeinab Harake, daring sa kanyang bagong maternity photos

By Maine Aquino
Published April 18, 2021 12:23 PM PHT
Updated April 18, 2021 4:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

zeinab harake


Tingnan ang mga sexy maternity photos ng content creator na si Zeinab Harake.

Sexy at daring ang maternity photo shoot ng content creator na si Zeinab Harake.

Si Zeinab, ay ipinagbubuntis ngayon ang kanilang unang anak ng rapper na si Skusta Clee.

Sa kanyang bagong posts ay makikita ang daring maternity shoot ni Zeinab.

Nagsuot rin ng black at white na sexy outfits ang soon-to-be mom na si Zeinab.

Zeinab Harake

Photo source: @zeinab_harake

Tingnan ang ilan pang mga larawan mula sa daring maternity shoot ni Zeinab sa gallery na ito:

Ibinahagi ni Zeinab ang kaniyang pagbubuntis noong December 2020 pagkatapos nilang humarap ni Skusta Clee sa on-and-off relationship.

Nang magkaayos, napag-alaman ng dalawa na sila ay magkakaroon ng na ng anak.

Ayon kay Zeinab, “October 6 ko nalaman na preggy ako. Noong nalaman ko 'yun, nakapag-settle naman na kami sa isa't-isa. Dito na siya samin nagsta-stay noon bago pa namin malaman na buntis ako noon.”

Ibinahagi naman ni Zeinab na hindi bunga ng pagkakamali ang kaniyang pagbubuntis.

“Gusto kong sabihin na hindi ito mistake, hindi ito karma,”

“Blessing ito galing kay God, and ito 'yung pinakamagandang regalong, natanggap ko ngayong birthday ko.”

Sa gender reveal party naman na ginanap lamang nitong January 2021 ay ibinalita na sila ay magkakaroon ng anak na babae.

Narito naman ang Disney-themed maternity photos ni Zeinab: