GMA Logo 130270
Celebrity Life

Juancho Trivino, handa na ba sa first baby nila ni Joyce Pring?

By Maine Aquino
Published April 22, 2021 6:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

130270


Ayon kay Juancho Trivino, nasa third trimester na si Joyce Pring ng kaniyang pregnancy.

Excited na si Juancho Trivino sa pagdating ng kanilang first baby ni Joyce Pring.

Sa interview ng GMANetwork.com sa aktor ay ibinahagi niya ang kanilang ginagawang paghahanda ni Joyce ngayong nalalapit na ang panganganak ng aktres.

Kuwento ni Juancho, ilang linggo na lang ay maaari na nilang i-welcome ang kanilang first baby, "Just last week pumasok na siya sa third trimester ng pregnancy niya."

Ayon sa aktor at new dad, ang bilis ng mga pangyayari simula nang malaman nilang buntis si Joyce.

Juancho Trivino and Joyce Pring

Photo source: @juanchotrivino

"At this point nano-notice namin grabe ang bilis. Ang bilis ng pangyayari. Parang kailan lang ipinagdadasal pa lang namin na dumating na ang panahon na ito at mabuntis siya. Ngayon third trimester na siya, in just a few weeks na lang she'll give birth na. Very exciting times."

Bilang paghahanda sa kanilang bagong roles bilang tatay at nanay, nag-enroll si Juancho at Joyce sa ilang mga online classes.

"Maraming nagpadala rin ng support nila and 'yun we've been attending a lot of classes. May mga classes pala for breastfeeding, for what to do, what to expect, so we did that online via zoom. It took us a couple of hours but it was very enjoyable."

Saad pa ni Juancho, may mga taong gumagabay sa kanila ni Joyce upang paghandaan ang pagdating ng kanilang baby.

"We've been seeking advice from a lot of people on how to do this. We also have friends that have given birth in this season also so mas nakakabuti sa amin na nalalaman na 'yun kaagad kung ano 'yung dapat i-expect and what to prepare for."

Tingnan ang exciting na pregnancy journey ni Joyce Pring sa gallery na ito: