GMA Logo heart evangelista
Celebrity Life

Heart Evangelista asks dad Reynaldo Ongpauco: "Bakit hindi ka pumunta sa wedding?"

By Maine Aquino
Published April 25, 2021 11:27 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Davao City Coastal Road Segment B nga lakip ang Davao River Bucana Bridge, abli na | One Mindanao
PBB Collab 2.0: Housemates take on caroling challenge for 8th weekly task
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

heart evangelista


Alamin ang sagot ng ama ni Heart Evangelista kung bakit hindi ito pumunta sa kasal nila ni Sorsogon Governor Chiz Escudero.

Diretsahang tinanong ni Heart Evangelista ang kanyang amang si Reynaldo Ongpauco kung bakit hindi siya dumalo sa kasal nila ni Sorsogon Governor Francis "Chiz" Escudero () ang kaniyang ama na si Reynaldo Ongpauco.

February 15, 2015 nang ikasal sina Heart at Chiz sa Balesin.

Noong panahong ito, matatandang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Heart at ang kanyang mga magulang.

Dahil dito, hindi naging parte ng kasal ni Heart ang kanyang mga magulang.

Governor Chiz Escudero and Rey Ongpauco

Photo source: YouTube Love Marie Escudero

Saad ng ama ni Heart sa pinakahuling vlog ng Kapuso actress, "Hindi ko naman siya [Governor Chiz] naging kaaway."

Inamin rin ng kanyang ama na may panghihinayang siyang naramdaman na hindi niya nakasundo agad ang asawa ng kaniyang anak.

"Sayang, naging bati na sana kami noon pa."

Samantala, sa isang parte ng vlog, ipinakita ni Heart ang magandang samahan ngayon ng kanyang ama at asawa.

Saad ng aktres, "If you do everything right, and you pray a lot, time heals everything."

Panoorin ang kabuuang vlog ni Heart sa video na ito:

Tingnan ang masasayang larawan ni Heartkasama ang kanyang ama sa gallery na ito: