
Cute na cute si Sixto Dantes o mas kilala bilang Ziggy nang kunan siya ng kaniyang tatay na si Dingdong Dantes na nag-check out ng "chicks."
Saad ng Kapuso Primetime King sa kaniyang post ngayong araw, May 2, "Six checking out some “chicks”. 😉"
Photo source: dongdantes (IG)
Sa post ni Dingdong ay kita ang ngiti ni Sixto na enjoy sa pakikipaglaro sa mga "chicks".
Kahapon, May 1, naka-bonding naman ni Dingdong ang kaniyang panganay na si Zia Dantes. Ayon kay Dingdong, sumama si Zia sa kaniyang morning exercise bilang additional weight.
"This morning's body weight squat...with an additional somebody. 😆"
Balikan ang ginanap na celebration ng Dantes family para sa 2nd birthday ni Sixto sa gallery na ito: