GMA Logo candy pangilinan
Celebrity Life

Candy Pangilinan, inalala ang panahong walang pumipila sa kanyang book signing

By Racquel Quieta
Published May 13, 2021 7:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

candy pangilinan


Tingnan ang unang kopya ng libro ni Candy Pangilinan na kanyang pinirmahan.

Marami ang humahanga sa aktres na si Candy Pangilinan bilang isang ina dahil nagawa niyang maitaguyod ang kanyang anak na si Quentin kahit na siya ay isang working single mom.

Kamakailan ay naging trending topic nga si Candy nang mag-guest siya sa vlog ng TV host-actress na si Toni Gonzaga.

Sa naturang vlog, ikinuwento ni Candy ang mga hirap na dinanas niya mula nang magkahiwalay sila ng kanyang asawa hanggang sa paanahong mag-isa niyang pinalaki si Quentin.

Naging extra challenging ang pagpapalaki ni Candy kay Quentin matapos itong ma-diagnose na may Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD) and Autism Spectrum Disorder (ASD).

candy and quentin

Source: @candypangilinan (IG)

candy and quentin
Source: @candypangilinan (IG)

Ngunit imbes na panghinaan ng loob ay patuloy na lumaban sa hamon ng buhay si Candy.

At para naman makatulong sa ibang mga magulang na tulad niyang nagpapalaki ng anak na may ASD at ADHD, sumulat siya ng librong may pamagat na Mommy Dear: Our Special Love.

At sa kanyang Instagram post kamakailan, pinost ni Candy and larawan ng isa sa kanyang autographed book at nagbalik-tanaw sa panahong wala pa masyadong bumibili ng kanyang libro.

book cover

Souce: @candypangilinan (IG)

Ani Candy, “Someone sent this to me. I remember I use to sign the books kahit wala pong nakapila. Hahaha!

“I was attending book signing without people buying.

“So, nag bookstore visit lang pala tawag dun.

“[Though], we hit the charts fist few months.”

Marami mga dinanas na hirap noon si Candy pero nagbunga naman ang lahat ng ito, lalo na at lumaking isang masayang anak si Quentin.

Kaya naman pinasalamatan din ni Candy ang Diyos para sa lahat ng magandang nangyayari sa kanilang. buhay.

Aniya, “Truly, God made everything possible.”

Mas kilalanin pa ang inspiring celebrity mom na si Candy Pangilinan sa gallery na ito.