GMA Logo john lloyd cruz and elias
Celebrity Life

John Lloyd Cruz, sinorpresa ni Elias sa Father's Day

By Aimee Anoc
Published June 23, 2021 6:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

john lloyd cruz and elias


Ang sweet naman! Isang greeting card na may sulat niya ang regalo ni Elias sa kanyang tatay na si John Lloyd Cruz.

Naging emosyunal si John Lloyd Cruz nang sorpresahin ng kanyang anak na si Elias ng greeting card at shell bracelet para sa Father's Day.

Sa greeting card, makikita ang sulat ni Elias na “Happy Father's Day Papa.”

Matapos na maiabot ang regalo ay sinamahan pa ito ni Elias ng yakap at halik.

Labis naman ang tuwa ng aktor sa munting regalo na ito ng kanyang anak.

Nakuhanan at ibinahagi ang tagpong ito ng online user na si @solcerio.

A post shared by JLC_BEA4EVER (@jlc_bea4ever)

Noong Father's day, ibinahagi ni John Lloyd sa Instagram ang isang black and white photo nila ni Elias. Makikita sa larawan na nakaupo si Elias sa balikat nito at nakangiti habang yakap-yakap ang ama.

A post shared by John Lloyd Cruz (@johnlloydcruz83)

Nito lamang nakalipas na araw ay lumipad papuntang Boracay ang mag-ama para roon mag-celebrate ng Father's Day, at ng kaarawan nila ni Elias.

Sa June 24 ay ise-celebrate ni John Lloyd ang kanyang 38th birthday at ikatlong kaarawan naman ni Elias sa June 27.

Anak ng aktor si Elias sa dating nobyang si Ellen Adarna.

Matapos ang apat na taon, muling bumalik sa telebisyon si John Lloyd at nakita sa midyear shopping event ni Willie Revillame na ipinalabas sa GMA.