GMA Logo Marian Rivera, Zia Dantes
Source: Marian Rivera (FB)
Celebrity Life

Zia Dantes, iginuhit ang inang si Marian Rivera

By Aimee Anoc
Published July 25, 2021 1:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera, Zia Dantes


Sa August 12 pa ang birthday ni Marian pero excited na daw si Zia para dito kaya iginuhit niya ang ina.

Bago pa man ang kaarawan ng ina, una nang sinorpresa ni Maria Letizia "Zia" Dantes si Primetime Queen Marian Rivera nang iguhit niya ito.

Ibinahagi ni Marian sa Facebook ang drawing ni Zia para sa kanya at makikitang may kasama na ring cake at candle ang drawing ng anak.

Pagbabahagi ni Marian, "Hahahah excited ang anak ko sa bday ko."

Ipagdiriwang ni Marian ang kanyang 37th birthday sa August 12 at marami na rin ang maagang nagpaabot ng pagbati sa kanya sa Facebook.

"Happy Birthday advance more more more birthdays to come... keep safe and healthy with your family around," pagbati ni Elvie Intong.

"Ms. Marian Rivera-Dantes more birthday's to come and stay health... keep safe always," dagdag namam ni Tracy Lozada.

Sabi naman ni Babelyn Arsua, "Hi maam Marian advance happy bday po. Sabay tayo ng bday maam August 12 din."

Nagpaabot naman ng paghanga para kay Zia si Tatzkie Escoro, "Wow galing naman ni ate Zia sa murang edad n"ya nakaka-drawing ng ganyan, good job ate Zia."

Habang isinusulat ang istoryang ito, mayroon ng mahigit 17,000 likes, at 330 comments ang post na ito ni Marian.

Samantala, patuloy na mapapanood sina Marian at Dingdong Dantes sa Endless Love pagkatapos ng The World Between Us.

Tingnan ang sexy boss mom looks ni Marian Rivera sa gallery na ito: