
Hindi lang sa Prima Donnas isang mapagmahal na ama si James Blanco dahil pati sa tunay na buhay, supportive dad rin si James sa kanyang mga anak.
Sa kaarawan ni Natalia, ang kanya bunso, pinangako niya rito na palagi niya itong susuportahan sa kanyang mga pangarap.
Sulat ni James sa caption ng kanyang Instagram post, "Happy happy birthday bunso @ataliesimone. Ang bilis ng panahon, ang bilis mo lumaki at tumangkad."
"Parang kelan lang baby ka lang namin... pero kahit malaki kana lagi mong tatandaan na forever kang baby ni DAD, ikaw ang baby bunso ko.
"Sobrang proud kami sa'yo dahil lumaki kang mabait at madasalin lagi kay papa Jesus.
"Basta nandito lang si dad sa tabi mo para support lahat ng dreams mo.
"Labyu bunso!"
Bukod kay Natalia, may dalawang anak pa si James at asawang si Tania Creighton, sina Iñigo at Baste.
Mas kilalanin pa sila dito:
Sa Season 2 ng Prima Donnas, muling gagampanan ni James si Ruben Escalante, ang ama ni Donna Marie, na ginagampanan naman ni Jillian Ward.
Abangan ang Prima Donnas Season 2, malapit na sa GMA Afternoon Prime.