
Muling inalala ni Andi Eigenmann ang kanyang nakaraan sa ibinahaging larawan sa Instagram kung saan kasama nito ang anak na si Ellie.
Kuha ang larawan noong 2011 ng photographer na si Roy Macam at 21 years old pa lamang noon si Andi at apat na buwan naman ang kanyang anak na si Ellie.
"[Four]-month-old Ellie and 21-year-old me! Sent to me this morning by photographer Roy Macam," sulat ni Andi.
Ayon kay Andi, naaalala niya ang panahon na iyon na parang kahapon lamang dahil malinaw pa sa kanya ang mga pinagdaanan sa buhay.
"It was instant nostalgia. I remember this time like it was just yesterday. Admittedly, wasn't the best time for me in terms of my mental health, but there were hella good times too, of course," dagdag ng celebrity mom.
Sa loob ng 10 taon, maraming pagbabago na rin ang nangyari sa buhay ni Andi tulad na lamang ng paninirahan nito ngayon sa Siargao kasama ang fiance na si Philmar Alipayo.
Mayroon na rin silang dalawang anak na sina Keliana Alohi "Lilo" Alipayo at Koa Alipayo, mga nakababatang kapatid ni Ellie.
"I am always grateful for everything I went through to get here. Both the good and the bad. The lessons learned and all the blessings. Especially the greatest one of all: ELLIE! The light of my life. It's been a decade since, and I only hope to be doing you proud as your mother. Miss you my girl!" pagbabahagi ni Andi.
Si Adrianna Gabrielle "Ellie" Eigenmann Ejercito ay anak ni Andi kay Jake Ejercito. Kasalukuyan ngayong nasa Maynila si Ellie kasama ang ama.
Samantala, tingnan sa gallery na ito ang simpleng pamumuhay ni Andi Eigenmann sa Siargao: