
Hindi nakapagtataka na todo kayod sa trabaho ang Pepito Manaloto star na si Kokoy de Santos, lalo na at ito ay para sa kabutihan ng kanyang buong pamilya.
Sa Instagram post ng Boys Love (BL) series actor kamakailan, may sweet message ito sa pinakaimportanteng babae sa kanyang buhay, walang iba kundi ang kanyang ina.
Saad ni Kokoy sa post: “aking reyna, maligayang kaarawan. mahal na mahal kita.”
Nakatanggap din ng pagbati ang nanay ni Kokoy mula sa co-stars niya sa sitcom tulad nina Sef Cadayona at Miss Gladys Reyes.
Nakilala ang husay sa pag-arte ni Kokoy nang bumida sa 2019 Cinemalaya movie Fuccbois, pagkatapos nito nagpakilig siya online via IdeaFirst's BL series na Gameboys kung saan kasama niya si Elijah Canlas.
Heto naman ang ilan sa hottest photos ni Kokoy na gumaganap na teenage Patrick sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento sa gallery below.