
Isang challenge na naman ang patok ngayon sa social media at sinubukan ito ng Kapuso actor na si Rodjun Cruz kasama ang kanyang pamilya.
Ang tawag dito ay #BadRomanceChallenge kung saan kailangan kantahin ang intro ng kanta ni Lady Gaga na "Bad Romance" habang seryoso at hindi tumatawa.
Ilang netizens ang nag-upload ng kanya-kanyang version ng challenge. Pati mga artista ay sumali na sa challenge katulad ng actor-dancer na si Rodjun.
Sa isang TikTok video na uploaded din sa Instagram ni Rodjun, hindi pa man nag-uumpisa ang challenge, hindi na mapigilan ang pagtawa nila.
Nagsama -sama sila sa hagdan ng kanilang bahay at doon ginawa ang challenge.
Unang sumubok si Rodjun sa pagkanta ng intro. Smooth na smooth niya itong naitawid.
Sunod naman na sumubok ay ang asawa ni Rodjun na si Dianne Medina.
Ang lahat ng kasama sa video ay sumubok ding kumanta at halos hindi matapos dahil sa kakatawa.
Habang nagkukulitan, tila nakiki-jamming at gusto ring kumanta ng anak nila Rodjun at Dianne na si baby Joaquin.
Dahil sobrang nakakahawa raw ang good vibes na dala ng pamilya ni Rodjun habang ginagawa ang challenge, napuno ng comments ang post ng actor.
Mayroong nagsabing tawang-tawa sila lalo na lalaking huling kumanta.
Ang ilan naman ay nag-comment ng laugh emojis.
Umabot na sa mahigit 180k views ang video ni Rodjun sa Instagram.
Nasubukan na rin ng Unang Hirit hosts ang makulit at nakakaaliw na #BadRomanceChallenge.
Ilang netizens rin ang na-feature sa morning show habang ginagawa ang patok na singing challenge.
Samantala, balikan ang Baguio trip ng pamilya ni Rodjun sa gallery sa ibaba: