GMA Logo Alana Lauren Arellano
Celebrity Life

Drew Arellano shares hilarious photo of daughter Alana Lauren passed out on the couch

By Aimee Anoc
Published August 27, 2021 2:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Alana Lauren Arellano


"It's been a tough week for Duday." - Drew Arellano

Noong August 26, ibinahagi ni Drew Arellano sa Instagram ang larawan ng unica hija niyang si Alana Lauren Arellano na nakatulog sa sofa.

A post shared by Drew Arellano (@drewarellano)

Sa larawan, makikita si Baby Alana na natutulog habang nakasuot ng pink dress at napapalibutan ng chips at isang bote ng wine.

"It's been a tough week for Duday," sulat ni Drew.

Habang isinusulat ang istoryang ito, mayroon nang mahigit 86,115 likes at 1,020 comments ang post na ito ni Drew.

Marami naman ang naaliw sa larawan na ito ni Baby Alana.

"Hahaha! So cute! Can sooo relate!" sabi ni !iam_msc.

"Oh Duday... take all the wine that you need precious one," dagdag pa ni @_jfur_.

"Thursday pa lang Duday, 1 day to go. Tapos long weekend na," biro naman ni @ sheeeeeeeenaaa_.

"Oh Duday, pinaglaruan ka na naman ng papa mo... so cutie!" sabi pa ni @328kalil.

Noong July 18, ipinagdiwang nina Drew at Iya Villania ang first birthday ni Alana sa pamamagitan ng isang pool party.

Mahigit pitong taon ng kasal sina Drew at Iya. Bukod sa bunsong anak na si Alana, mayroon na rin silang dalawang anak na lalaki na sina Primo at Leon.

Samantala, balikan sa gallery sa ibaba ang cute photos ng mga anak nina Iya Villania at Drew Arellano: