GMA Logo Queenei and Princess Pacquiao
Celebrity Life

Jinkee Pacquiao, proud mom kina Queenie at Princess na nag-aaral magluto

By Aimee Anoc
Published September 9, 2021 4:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Pres. Bongbong Marcos swears in newly promoted generals, flag officers of AFP, graduates of Foreign Pre-Commission training Institutions (Dec. 18, 2025) | GMA Integrated News
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News

Queenei and Princess Pacquiao


"Good job girlzzz. We miss you and we love you so much!" - Jinkee Pacquiao

Isang proud mom si Jinkee Pacquiao para kina Queen Elizabeth "Queenie," 12, at Mary Divine Grace "Princess," 14, nang malamang sinusubukang magluto ng dalawang anak.

Ayun sa Instagram post ni Jinkee, nasa Los Angeles pa rin ang dalawa nitong anak na sina Queenie at Princess.

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)

Makikitang nagtutulungan sa pagbabalat ng gulay sina Queenie at Princess at enjoy na enjoy sa pagluluto.

"Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa dalawang batang ito na willing matuto lalo na sa pagluluto. Good job girlzzz. We miss you and we love you so much!" pagbabahagi ni Jinkee.

Matatandaang nagpunta ng L.A si Jinkee kasama ang mga anak nito na sina Jimuel, Michael, Queenie, Princess, at Israel noong July para suportahan si Manny Pacquiao sa laban nito.

Noong September 8, natapos na nina Jinkee at Manny ang 10-day quarantine kasama ang anak na si Israel sa Conrad Manila Hotel.

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)

"Uwian na! Salamat Lord tapos na ang 10 days na quarantine," sabi ni Jinkee.

Samantala, balikan sa gallery sa ibaba ang Los Angeles trip ni Jinkee Pacquiao kasama ang pamilya nito: