
Masayang ibinahagi ni Beth Tamayo ang larawan ng kanyang unang baby na si Sloane Isabelle Tamayo Hutchinson sa edad na 43.
Sa Instagram, ipinakita ni Beth ang larawan ng kanyang 11-day old baby girl habang natutulog.
"I know we're late but here she is!" bahagi ni Beth.
Ayon sa dating aktres, isinilang niya ang kanyang baby noong August 29 na tatlong linggo ng mas maaga. "Yep, she just can't wait!"
Sa post, nagpasalamat si Beth sa lahat ng taong sumuporta at umalalay sa kanila habang ipinagbubuntis ang kanyang unang anak.
"Wanted to say thank you to our family and friends who have been checking on us daily and praying for/with us. We are so lucky to have you in our lives!" sulat ni Beth.
Pinasalamatan din ni Beth ang kanyang doktor na si Aimee Eyvazzadeh.
"Thank you again for bringing us here! This would not have been possible if not for all your help and just being the awesome person that you are," sabi ni Beth.
Inanunsiyo ni Beth ang kanyang pagbubuntis noong Marso sa kanyang American husband na si Adam Hutchinson.
Samantala, tingnan sa gallery sa ibaba ang masayang buhay ni Beth Tamayo sa Amerika: