
Pampa-healthy na, pampa-good vibes pa ang hatid ng mga family bonding ng Mars Pa More host na si Camille Prats-Yambao.
Naging bonding ng pamilya ni Camille ang pagti-TikTok, mapasayaw, acting, at kahit workout. Ibinabahagi ito ni Camille sa TikTok kung saan namamayagpag siya bilang millennial TikToker mom.
@camilleprats I'm baaaaaaack 😅😅😅 #fyp #foryourpage
♬ crzy - Aira Casim 🔮
Para kay Camille ito ang munting paraan nila ng kanyang pamilya na maghatid saya ngayong pandemya. "The little positive things that we put out there, natutuwa 'yung mga followers natin.
"Nakakataba ng puso, 'yun din naman ang layunin natin when we do all those things. Para maging light naman ang buhay, para maging masaya."
Kasama ni Camille ang kaniyang pamilya sa paghahanda ng kanyang bagong seven-minute cooking and inspirational show na Nutri-Sarap Kitchen tampok ang iba't ibang masasarap at healthy recipes at words of wisdom kasama ang ilang celebrities.
Masaya rin si Camille na unti-unti na nabubuo ang dream house nila ng kanyang pamilya.
Panoorin ang buong ulat: