
Hindi napigilang maging emosyunal ni mommy Alma habang binabasa ang sulat ni Camille Prats para sa kanyang 60th birthday.
Sa Instagram, sinorpresa ni Camille ang ina ng isang regalo. Naghanda rin ang Mars Pa More host ng sulat para rito.
Kuwento ni Camille, mahilig daw ang kanyang ina sa mga kumikinang na bagay kaya naman niregaluhan niya ito ng hikaw.
"My mom loves anything that sparkles. Now on her 60th birthday, God has allowed me and my family to give her a gift as such," sulat ni Camille.
Pinasalamatan din ng aktres ang kanyang ina sa lahat ng sakripisyong ginawa nito para lamang matupad ang pangarap na maging isang artista.
"Mom. thank you for everything. For being the first person to believe in me at the age of 4 when I said I wanted to be an artista. For all your sacrifices to help me make my dreams come true,” dagdag pa niya.
"I am who I am because of you. And for everything you do as a daughter, sister, wife, mom and grandmama, you deserve all these and more. May God bless your heart's desires, may His face shine upon you and be gracious to you all the days of your life. Happy 60th mom!" pasasalamat ng aktres sa kanyang ina.
Kasama rin ni Camille ang asawang si VJ Yambao at ang kanilang tatlong anak na sina Nathaniel, Nala, at Nolan sa selebrasyon ng kaarawan ng ina.
Samantala, alamin sa gallery na ito kung paano pinananatiling aktibo ni Camille Prats ang kanyang mga anak kahit na may pandemya: