GMA Logo Sunshine Garcia
Celebrity Life

Sunshine Garcia at Alex Castro, excited na sa kanilang second baby boy

By Aimee Anoc
Published September 30, 2021 4:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Sunshine Garcia


"And it's a boy." - Sunshine Garcia

Excited na si dating Sexbomb dancer Sunshine Garcia at ang asawang si Alex Castro sa paparating nilang baby boy.

Sa Instagram, ibinahagi ni Sunshine ang video ng gender reveal nila noong Martes kung saan asul na lobo ang lumabas nang paputukin nito ang pulang lobo.

A post shared by Sunshine Garcia-Castro (@sunshine_garcia)

Mababakas sa mukha ni Sunshine ang pagkabigla sa resulta kung saan agad nitong tinanong ang unang anak na si Axel: "Mamimili ka. Ikaw o ito ang gagawin kong babae?"

Matapos nito ay binigyan nina Sunshine at Alex ng yakap ang isa't isa.

"And it's a boy," caption ni Sunshine.

"Ayaw pa rin ng girl ha pwes gagawa ako ng paraan. Mamimili ka sa mga boys natin kung sino gagawin ko sa kanilang girl," dagdag na biro nito.

A post shared by Sunshine Garcia-Castro (@sunshine_garcia)

Ikinasal noong 2019 sina Sunshine at Alex kung saan ibinahagi nila noong July ang pangalawang pagbubuntis.

Samantala, isinilang ni Sunshine Garcia ang una nitong anak na si Axel noong September 2018. Balikan ang naging first birthday ni Axel sa gallery na ito: