GMA Logo LJ Reyes and Summer Ayana
Celebrity Life

LJ Reyes and Summer Ayana are having the cutest mommy and daughter bonding in New York

By Aimee Anoc
Published October 12, 2021 3:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

LJ Reyes and Summer Ayana


LJ Reyes happily shared a precious moment between her and baby Summer.

Masayang ibinahagi ni LJ Reyes ang sandaling kasama ang anak na si Summer Ayana habang nagpapakuha ng larawan.

Kasalukuyang nasa New York City si LJ kasama ang dalawang anak na sina Ethan Akio, 11, at Summer, 2, matapos aminin ang paghihiwalay nila ng kanyang longtime partner na si Paolo Contis.

Sa Instagram, cute na cute na nag-pose si Summer habang hawak-hawak ng inang si LJ.

"Sali daw s'ya," caption ng aktres, na may kasamang laugh emoji.

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)

Maraming netizens ang natuwa sa larawan na ito nina LJ at Summer. Maging si Angelika Dela Cruz ay hindi nakapagpigil na mag-comment, "Ang cute."

"Keep on shining Ms LJ," sulat ni @ms.lyn_arce03, na may kasamang heart emoji.

"Ang gandang mag-ina," sabi ni @charmzyeric.09.

"Ang cute cute ni Summer," panggigigil ni @cheeseamonster.

"Ang cute cute n'yong dalawa. Enjoy your journey there," dagdag ni @tvxqsam.

"Miss you Summer watching in vlog! Pretty like your mom," pagbabahagi ni @simplicitymareee.

Ayon kay LJ, ang rason kung bakit patuloy siyang may ngiti araw-araw ay dahil sa kanyang dalawang anak.

Samantala, tignan sa gallery na ito ang masasayang sandali ni Lj Reyes kasama ang dalawang anak na sina Ethan Akio at Summer Ayana: