GMA Logo Aicelle Santos and Baby Zandrine
Celebrity Life

Aicelle Santos, nalulungkot para sa anak na si Zandrine dahil sa pandemic

By Aaron Brennt Eusebio
Published October 14, 2021 2:30 PM PHT
Updated October 14, 2021 4:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) JANUARY 20, 2026 [HD]
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Aicelle Santos and Baby Zandrine


Paano kaya napapanatiling safe ni Aicelle si Baby Zandrine sa bahay?

Aminado ang Kapuso singer na si Aicelle Santos na may halong lungkot ang sayang nararamdaman niya para sa kanyang 10-month-old daughter na si Zandrine.

Si Zandrine kasi ang nagpapatawa sa kanilang bahay ngunit hindi maiwasan ni Aicelle na malungkot dahil hindi nito nakakalaro ang kanyang mga pinsan bilang pag-iingat na rin sa COVID-19.

"Sa totoo lang masayang masaya because my daughter is such a joy giver. Napakasarap niyang alagaan," kuwento ni Aicelle sa GMANetwork.com.

"Pero sa kabilang banda, siyempre nalulungkot kasi nakakulong pa rin tayo, naka-mask, hindi makalabas, hindi makita ang mga lola't lolo niya sa kabilang side, at hindi makapaglaro sa mga pinsan niya.

"But then again, we're still very thankful dahil we take it day by day na tayo'y healthy at nakakakain.

"And very hopeful na one day, babalik na tayo sa ayos."

A post shared by Aicelle Santos 🇵🇭 (@aicellesantos)

Paminsan-minsan ay lumalabas si Aicelle ng kanilang bahay upang magtrabaho. Mapapanood si Aicelle tuwing Linggo sa All-Out Sundays bilang parte ng Queendom.

Paano kaya niya napapanatiling safe si Baby Zandrine sa bahay?

"GMA makes sure na tayo'y number 1 vaccinated lahat and may mga tests tayo, RT-PCR.

"Sa pag-uwi ko sa bahay, ang unang gagawin ay magpalit ng damit at diretsong pagligo. Disinfect.

"And for the next 5 to 6 days, naka-mask ako around my baby para maghintay kung magkakaroon ako ng symptoms.

"Kung feeling [ko] naman sobrang exposed [ako] from work, nagsasariling RT-PCR ako just to be sure.

"'Cause mahirap, our babies wala pang vaccines."

Mas kilalanin pa ang cute na anak ni Aicelle na si Baby Zandrine sa mga larawang ito: