GMA Logo LJ Reyes
Celebrity Life

LJ Reyes grateful for her honest mother-son relationship with Aki; answers if she will come back to PH

By Jansen Ramos
Published October 31, 2021 5:31 PM PHT
Updated October 31, 2021 5:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dobol B TV Livestream: July 28, 2026
4 nabbed; alleged gold ore, P9M equipment seized in Surigao City
Grill, Fry, and Impress: The kitchen upgrade every home cook needs

Article Inside Page


Showbiz News

LJ Reyes


Sinagot ni LJ Reyes, na kasalukuyang nasa Amerika, kung babalik pa siya ng Pilipinas: "Hindi ko po alam what's gonna happen..."

Isang tapat na relasyon raw ang itinaguyod ni LJ Reyes sa kanyang panganay na si Ethan Akio o Aki, anak niya sa ex-boyfriend na si Paulo Avelino.

Sa edad nitong 11, curious na raw ang pre-teen son ng aktres kaya marami na itong katanungan.

Ayon sa panayam ni Boy Abunda kay LJ sa Brooklyn, New York, kung saan kasalukuyang nananatili ang aktres, hindi nahirapan ang aktres na ipaliwanag kay Aki ang mga desisyong kailangan niyang gawin para sa anak at sa kapatid nitong si Summer Ayanna, lalo na nang maghiwalay sila ni Paolo Contis, na tumayong father figure kay Aki.

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)

Ani LJ, "We had a talk before leaving. Actually, every now and then, we get to talk about sensitive matters and important things kasi I also encourage him to speak out, to be open. Gusto ko lagi siyang nagkukwento, everyday po 'yan 'pag umuuwi siya ng school."

Dagdag pa niya. "I am very thankful that God has been giving me wisdom na kung ano man po 'yung lumalabas sa bibig ko ay nothing but facts, or wala pong masama."

Mahigit isang buwan nang nasa Amerika si LJ kasama ang kanyang dalawang anak.

Doon nananatili siya sa poder ng kanyang ina at kapatid na naka-base sa New York.

Ayon kay LJ, thankful siya sa pagkupkop at pag-aalaga ng kanyang pamilya roon sa kabila ng kanyang pinagdadaanan.

Sabi niya, "Very supportive po ang nanay ko at ang sister ko. Sila 'yung nagsasabi na, 'O, relax ka lang diyan, enjoy, you wanna go out, what do you want to do,' ganyan, 'What do you want to do with your kids,' ganyan.

"Sabi nila, 'If you want time for yourself, you can do that.' At saka nanay po, iba talaga 'pag sinabi ng nanay mo na sa akin ka na muna. 'Yung para bang feeling mo hindi ka ilalaglag, hindi ka bibitawan kahit anong mangyari and it's been a great family time for us for the past month."

Ngayong naka-focus si LJ kina Aki at Summer, tanong ng marami: babalik pa ba siya sa Pilipinas at sa pag-aartista?

Sagot ni LJ, "I'm thinking life one day at a time. Ang hirap po magsalita na 'hindi dito na lang ako' or 'oo babalik ako' or 'oo pagbalik ko, I will be back in show business.'

"Hindi ko po alam what's gonna happen and I think it's okay that you don't know. It's okay to take your time, it's okay to give time to yourself, to heal, to figure out things kasi ang hirap po kung mamadaliin 'yung mga bagay-bagay at meron pong dalawang bata na umaasa sa 'kin."

Dugtong pa ni LJ, "I feel like I cannot make any more wrong decisions."

Nitong Linggo, nag-post si LJ ng masasayang larawan niya kasama ang mga anak.

Sa caption, sinabi ng celebrity mom, "Making new memories with you both."

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)

Anim na taong nagsama sina LJ at Paolo. Mayroon silang anak na si Summer Ayanna.

Kinumpirma ni LJ na hiwalay na sila ng aktor sa panayam ni Boy Abunda noong September 1, 2021 sa YouTube channel ng huli.

Tingnan ang relationship timeline ng dating celebrity couple dito: