Celebrity Life

Kylie Padilla, ginunita ang kakaibang childhood sa bagong vlog

By Marah Ruiz

Sa kanyang bagong vlog, ginunita ni Kapuso actress Kylie Padilla ang kanyang kabataan.

Sa halos 40 minutes na video, kinapanayam ni Kylie ang kanyang amang si Robin Padilla.

Bahagi ng interview ang paggunita nilang dalawa sa childhood ni Kylie at kanyang mga kapatid sa Australia.

Ipinasilip pa nila ang ilang never before seen home videos kung saan makikitang nagso-sword training sina Kylie at Robin.

Hindi raw alintana ni Kylie noon na kakaiba ang naging pagpapalaki sa kanila nina Robin at ina nilang si Liezel Sicangco.

Isa na rito ang pagpapadala sa kanila ni Robin sa Thailand para sa martial arts training noong sila ay mga bata pa.

"'Pag binabalikan ko po 'yun, parang hindi nga siya normal. Pero para sa 'kin kasi parang normal lang eh. I stopped school tapos fighters training. Iba pala talaga," pahayag ni Kylie.

Ibinahagi naman ni Robin ang proudest moment niya bilang ama kay Kylie.

"Ako sa' yo, Joaquin Bordado 'yun. Pinaka masaya ako doon. Fulfilled na 'ko noon. Boundary na 'ko. Boundary na 'ko sa' yo noon," pagmamalaki ni Robin.

Matatandaang si Robin ang bida sa action fantasy series na Joaquin Bordado habang isa naman sa mga supporting characters na si Erenea si Kylie.

"[Ang] taas ng rating noon ah. Dahil sa 'yo! Ikaw ang [inaabangan] doon. Hindi nga! Hanggang ngayon 'pag pinag-uusapan 'yun sa channel 7, si Erenea pa rin," lahad ni Robin.

Lalo raw siyang naging proud dahil naipalamas ni Kylie sa serye ang galing niya sa martial arts.

"Kasi creation kita kaya ako proud. Kaya kong mag-create ng action star. Nakagawa ako, hindi fake. [Ang] daming action star ngayon pekenese. Ikaw totoo. Totoong nanggugulpi, totoong tumatambling, totoong sumasabit. Lahat totoo. Proud ako doon," paliwanag niya.

Nagpag-usapan din ng mag-ama ang pagiging magulang. Ayon kay Robin, hindi siya nagsisisi na maaga siyang nagkaroon ng mga anak. Sa halip, ang pagiging ama pa ang itunutiring niyang nag-salba sa kanya.

Sang-ayon naman dito si Kylie na maaga ring nagkaanak at nagpakasal.

"I feel the same, Pa, noong nabuntis ako. I feel like nagtatrabaho ako pero hindi ko alam kung saan ko siya ilalagay. Noong nagkaanak ako and nagulat ako, nagulat kami, but may purpose na kung bakit ako nagtatrabaho. May purpose na 'yung buhay ko, hindi lang 'yung puro ako ako ako lang. Naiintindihan ko po kayo sa sinsabi niyo na it's timely and ginawa talaga ni God na mangyari 'yun," paliwanag naman ni Kylie.

Panoorin ang buong usapan nina Kylie at Robin dito:

Meanwhile, check out Kylie's cool new look here: