GMA Logo Cong TV and Viy Cortez
Source: viycortez (Instagram)
Celebrity Life

Cong TV, Viy Cortez are expecting a baby

By Jimboy Napoles
Published December 3, 2021 5:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Cong TV and Viy Cortez


May bagong miyembro na ang "Team Payaman" dahil magkakaanak na ang YouTube vlogger couple na sina Cong TV at Viy Cortez.

Maagang Christmas gift para sa celebrity vlogger couple na sina Cong TV at Viy Cortez ang balitang magkakaanak na sila. Ibinahagi agad ng dalawa sa kanilang mga followers ang balitang ito sa pamamagitan ng isang vlog.

November 27 nang mag-test si Viy para matukoy kung siya ba ay nagdadalang-tao. Sa unang bahagi ng vlog, emosyonal na siya habang hawak ang pregnancy test kit na may markang positive.

December 2020, nang mapabalitang nakunan si Viy na dapat sana'y panganay nila ni Cong. Kaya naman labis na lang ang kaniyang tuwa nang malaman na biniyayaan ulit sila ng anak.

Upang masiguro na hindi false positive ang lumabas sa pregnancy test kit, agad na nagpatingin sa doktor sina Viy at Cong. Dito na nakumpirma na anim na linggo nang buntis si Viy.

Pati ang Team Payaman na grupo nina Cong at Viy masaya rin sa pagbubuntis ng huli.

Sa ngayon umabot na sa mahigit 3 million views ang "PLASWAN" vlog na ito ni Viy. Panoorin DITO:

Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang YouTube celebrity couples na dumaan sa pagsubok ang relasyon at pagsasama: