
Ipinagdiriwang ngayon nina Oyo Sotto at Kristine Hermosa ang 10th birthday ng kanilang unica hija na si Ondrea Bliss.
Sa Instagram, binati ni Oyo ang anak at proud na sinabi ang magagandang katangian ni Ondrea.
"Happy birthday to my unica hija, Ondrea Bliss. Sweet, loving, independent and most of all loves the Lord Jesus our God. I love you, Dre," pagbati ni Oyo.
Si Ondrea ang unang biological child nina Oyo at Kristine, na isinilang noong December 26, 2011. Bago pa man maipanganak si Ondrea, mayroon nang adopted son ang mag-asawa na si Kristian Daniel.
Samantala, tingnan ang Christmas celebration ngayong taon ng Sotto family sa gallery na ito: