
Isang bagong bahay ang regalo ni Edgar Allan "EA" Guzman para sa ina ngayong Pasko.Inside link:
Sa Instagram, nag-post ng video si EA kung saan makikitang nakapiring si nanay Sarrie habang bumababa ng sasakyan. Sa harap ng bagong biling bahay, tinanggal ni EA ang panyo sa mata ng ina at sinabing, "Merry Christmas, Ma, bahay mo."
Hindi na napigilan pang maluha ni Nanay Sarrie nang makita ang sorpresa ng anak para sa kanya. Agad na binigyan ng yakap ni EA ang ina at sinuklian naman ito ng isang halik ni nanay Sarrie.
Kasama rin ni EA sa ginawang sorpresa ang girlfriend niyang si Shaira Diaz. Ayon kay EA, walang katumbas na halaga ang mga sandaling ito ng kanyang buhay.
"Priceless moment of my life. This is for you! Merry Christmas, Ma! Enjoy our new house. Ako naman, Ma," pagbabahagi ni EA.
Samantala, ilan sa celebrities na bumati kay EA ay sina David Licauco, Rayver Cruz, Adrian Alandy, Lovely Abella, Rocco Nacino, Kris Bernal, Jason Abalos, Heart Evangelista, Jeric Gonzales, Mark Herras, Sofia Pablo, Mavy Legaspi, at Geneva Cruz.
Tingnan ang hottest photos ni EA Guzman sa gallery na ito: