GMA Logo Carmina Villarroel
Source: mina_villarroel (Instagram)
Celebrity Life

Carmina Villarroel, nais na muling makapiling ang pamilya sa Amerika

By Jimboy Napoles
Published December 28, 2021 7:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zaldy Co was building 5-storey basement in Forbes Park to store cash — DILG
Bus trips in Laoag fully booked until January 1, 2026
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel


Kasalukuyang nasa Amerika ang pamilya ni Carmina Villarroel na matagal niya nang hindi nabibisita at nakikita.

Matagal na raw hindi nakakapag-travel out of the country ang Team Legaspi simula nang magkaroon ng pandemya. Huling travel daw nila ay ang naging pagbisita nila sa Disneyland sa Hong Kong. Kaya naman plano ng celebrity mom at Stories from the Heart: The End of Us star na si Carmina Villarroel na muling makapasyal kasama ang pamilya.

Bukod dito, ikinuwento ng aktres sa kanyang Kapuso Confessions sa GMANetwork.com na gusto rin daw niya na muling mag-celebrate ng holidays sa ibang bansa, partikular na sa United States kung saan naroon ang kanyang pamilya at kamag-anak.

Aniya, "Ang dream ko ay makapag-travel ulit, kasama ang pamilya ko.

"Ang dream ko rin talaga ay mag-Pasko sa ibang bansa, especially sa United States kasi nandoon 'yung sister ko with the entire family, with the Villarroel clan, with my siblings. Dream ko talaga 'yun."

Sa kabila naman daw ng mga hindi magagandang pangyayari sa mga nakalipas na buwan at taon, masaya pa rin daw si Carmina dahil sa patuloy na pagdating ng blessings sa kanya at sa kanyang pamilya.

Kuwento ng aktres, "Masaya ako kasi despite na may mga nangyayaring hindi maganda this 2021 and the past year, marami pa ring blessings si God sa akin and sa pamilya ko. So I'm still grateful and thankful."

Panoorin ang kabuoan ng Kapuso Confessions ni Carmina, DITO:

Kasalukuyan namang napapanood si Carmina kasama ang kanyang asawang si Zoren Legaspi sa Stories from the Heart: The End Of Us, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 ng hapon pagkatapos ng Las Hermanas sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, mas kilalanin pa si Carmina sa gallery na ito: