GMA Logo angeline quinto
Celebrity Life

Angeline Quinto is expecting a baby boy!

By Jansen Ramos
Published February 1, 2022 1:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Napoles gets reclusion perpetua anew after Sandiganbayan convicts her for malversation
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

angeline quinto


Nakatakdang isilang ni Angeline Quinto ang kanyang first baby sa April 2022.

Sinorpresa ni Vice Ganda ang kaibigang si Angeline Quinto ng isang gender reveal party na ginanap sa bahay ng TV host/comedian.

Sa YouTube vlog na ni Vice noong January 31, 2022, special guest nila ang ina ni Vice na si Rosario Viceral, na tumayo na ring mother figure ni Angeline nang pumanaw ang adoptive mom ni Angelina na si Mama Bob.

Ayon kay Angeline, na five-months-pregnant na ngayon, ramdam niyang babae ang kasarian ng kanyang anak. Gayundin naman ang tingin ni Nanay Rosario dahil napanatili pa raw ng singer-actress ang kanyang ganda.

Kung babae raw ang kanyang magiging anak, isusunod ni Angeline ang pangalan nito sa kanyang Mama Bob.

Gayunpaman, mali ang hinala ni Angeline dahil baby boy pala ang ipinagbubuntis niya matapos buksan ni Vice ang gender reveal box na naglalaman ng mga asul na lobo.

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)

Ani Angeline, "Siyempre, masaya pa rin ako. Masayang-masaya ako pero 'di ko in-expect talaga na lalaki. Ang buong pag-aakala ko babae talaga."

Sabi pa ni Angeline, "Bobby" ang isa sa mga pinagpipiliin niyang ipangalan sa kanyang unang anak.

"Sa totoo lang, mas marami akong naisip na pangalan na pang lalaki kaysa babae."

Ayon pa kay Angeline, hindi man makakapiling ng kanyang namayapang Mama Bob ang kanyang baby boy, ipadadama ng singer ang pagmamahal at pag-aalaga ng umampon sa kanya sa magiging anak niya.

"Kung paano din si Mama Bob no'ng sanggol ako, 'yung talagang sinecure ako ng Mama Bob ko na kahit ano mangyari, hindi papabayaan 'yung anak."

Sa isang parte ng vlog, nagbigay pa ng mensahe si Vice sa kanyang buntis na kaibigan.

"We are excited to join you in your journey to motherhood. We will be with you all the way. Sinamahan ka namin sa unang araw ng pagbubuntis mo hanggang sa araw na makapanganak ka, andoon kami."

Panoorin ang gender reveal party para sa expectant mom na si Angeline dito:


Noong Disyembre 2021, ibunyag ni Angeline sa isang panayam ni Boy Abunda na buntis siya sa kanyang unang anak.

Nakatakdang isilang ni Angeline ang kanyang baby boy sa Abril 2022.

Samantala, narito ang iba pang celebrity expectant moms: