GMA Logo Pauleen Luna, Vic Sotto and Tali Sotto
Courtesy: pauleenlunasotto (IG)
Celebrity Life

Pauleen Luna shares cute video of Vic Sotto and Tali's concert at home

By EJ Chua
Published February 3, 2022 4:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kenneth Llover stops Chinese foe, retains OPBF crown
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Pauleen Luna, Vic Sotto and Tali Sotto


Panoorin ang kakaibang father and daughter bonding ni Vic Sotto kasama ang anak na si Tali.

Nagmistulang concert stage ang isang kuwarto sa bahay nina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna dahil sa kanilang kakaibang family bonding.

Sa latest video na in-upload ni Pauleen sa kanyang Facebook account, makikitang game na game sa pag-indak ang kanilang anak na si Tali Sotto, habang si Vic naman ay naka-focus sa pagtugtog gamit ang cute na cute na toy instruments.

Kung sina Vic at Tali ay abala sa pagpapakitang gilas sa kanilang mini concert, si Pauleen naman ay nag mala-fan at videographer ng kanyang mag-ama.

Maririnig din ang hiyaw ni Pauleen na parang nanonood sa isang stadium.

Sa kasalukuyan, may mahigit 107,000 views at 7,100 likes ang video ng Sotto family.

Courtesy: Pauleen Luna-Sotto (Facebook)

Nito lamang January, ibinahagi naman ni Pauleen ang video ni Tali habang nagbabasa ng libro tungkol sa planets.

Kapansin-pansin na lumalaking bibo at talented si Tali na hindi naman maikakailang namana niya ang mga katangiang ito sa kanyang celebrity parents.

Samantala, tingnan ang father-daughter moments nina Bossing Vic at Tali sa gallery na ito: