
Mukhang may sumayaw ng "Butter" ng BTS kahapon, Valentine's Day?
Kilig ang hatid ng Valentine's Day message ni Jeron Manzanero para kay Sheena Halili.
Sa Instagram, ibinahagi ni Jeron ang larawan nilang mag-asawa at ang sweet na mensahe nito kay Sheena.
"'Di ako magsasawang pasayahin ka," sulat ni Jeron. "Kahit mag-performance level pa ako ng pagsayaw at kanta ng 'Butter' mamaya para mapatunayan ko na lamang lang ng isang paligo si Taehyung sa akin."
Ayon kay Jeron, proud siya na maka-"Valentine's date parati" ang asawa.
"Happy [Valentine's Day], mahal ko," dagdag niya.
Hindi naman napigilan ni Sheena na mag-comment sa post ng asawa. Aniya, "Umuwi ka na! Gusto na kitang makitang sumayaw."
Kilalang fan si Sheena ng BTS member na si V. Noong February 2, ibinahagi ng celebrity mom ang malaking paghanga niya sa K-pop idol kung saan tinawag niya itong "bebe ko."
Ikinasal sina Jeron at Sheena noong February 23, 2020, at agad na biniyayaan ng anak, si Baby Martina, noong December 12 nang kaparehong taon.
Samantala, tingnan ang cutest photos ng anak nina Jeron Manzanero at Sheena Halili na si Baby Martina sa gallery na ito: