GMA Logo Zoren Legaspi and family
Source: zoren_legaspi (Instagram)
Celebrity Life

Zoren Legaspi, hindi pa handa na pumasok sa romantic relationship sina Mavy Legaspi at Cassy Legaspi

By Jimboy Napoles
Published February 28, 2022 6:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kenneth Llover stops Chinese foe, retains OPBF crown
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Zoren Legaspi and family


Ano kaya ang rason ni Zoren Legaspi kung bakit ayaw niya pa na magkaroon ng boyfriend o girlfriend ang kanyang mga anak na si Mavy Legaspi at Cassy Legaspi? Alamin DITO:

Happy and proud parents ang celebrity couple na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel sa magandang takbo ng karera sa showbiz ng kanilang mga anak na sina Mavy Legaspi at Cassy Legaspi.

Fresh mula sa primetime series na I Left My Heart In Sorsogon si Mavy habang nasa top-rating Kapuso series naman na First Lady si Cassy. Pero kahit na gumagawa na ng kanilang sariling pangalan sa industriya ang kambal, hindi pa rin daw handa si Zoren na pumasok sa romantic relationship ang dalawa.

Ito ay kanyang ibinahagi sa recent vlog nila ng kanyang asawa na si Carmina, kung saan sumalang sila sa isang one-on-one question and answer interview. Si Carmina ang nagtanong ng mga bagay na gusto niyang itanong kay Zoren tungkol sa kanilang relasyon at pamilya pero hindi niya puwedeng depensahan ang sarili base sa isinagot ng asawa.

"Ready ka na ba na magka-boyfriend o girlfriend 'yung twins?" tanong ni Carmina.

Agad naman itong sinagot ni Zoren, "Hindi. First of all, okay, I mean kailangan baguhin mo yung kultura kasi."

Para sa celebrity dad, malaki ang impluwensiya ng social culture pagdating sa usaping ito.

Aniya, "Kasi 'yung culture ang nagdevelop ng ganyan e, kaya nga ako naiinis sa mga prom-prom [Prom Night] na 'yan e. Kunwari may prom date ganyan, because, yung mga prom na 'yan, junior prom, that's the start. Alam ko marami pong magrereact, but it's the culture but 'yong sa akin kasi, why push them into these things about relationship at the very, very young age?"

Paliwanag ni Zoren, hindi naman kinakailangan pumasok agad sa isang romantic relationship sa murang edad dahil marami pa silang dapat pagtuunan ng pansin at pagkaabalahan.

"Kasi puwede mong i-push sila in a different angle. Now, they say o, 20 na sila, 21, matanda na, who said na matanda na ang 21 to have a relationship or that's the right age to have a relationship? There's no such thing, then later you have a relationship, the more, the better, so if you, nag 25 ka, 26, and you're still single, does it mean you have a lonely heart or ganyan, it's better. It's better because hindi 'yan ang priority actually sa buhay," ani Zoren.

Napapansin din ni Zoren na maraming kabataan ngayon sa social media ang tila mas binibigyan ng pansin ang pakikipagrelasyon.

Aniya, "Nowadays, nakikita ko sa mga, you know, like TikTok or mga bagets diyan, laging sinasabi, 'Buti ka pa, ano ako, wala pang jowa,' and these kids are like 15, 16 years old, 17, nauuso 'yung 'Ikaw ganyan, ako nga wala pang jowa,' who cares kung wala? E, di ibigin mo 'yung nanay mo, ibigin mo tatay mo, ibigin mo kapatid mo, ibigin mo 'yung ganyan or so many things to do."

Panoorin ang vlog ng celebrity couple, DITO:


Samantala, subaybayan naman si Carmina bilang si Barbara Sagrado-Dee sa Kapuso suspenserye na Widows' Web gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Silipin naman ang mga larawan ng masayang pamilya ng Villarroel-Legaspi sa gallery na ito.