GMA Logo Avianna Celeste Abrenica
Celebrity Life

Sophie Albert and Vin Abrenica's daughter Avianna turns 1

By EJ Chua
Published March 15, 2022 12:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

16k cybercrimes logged since 2024 due to Pinoys' increased awareness – CICC
Travelers flock at terminals on Christmas Eve
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

Avianna Celeste Abrenica


Happy Birthday, Avianna!

Ipinagdiriwang ng celebrity couple na sina Sophie Albert at Vin Abrenica ang first birthday ng kanilang unica hija na si Avianna Celeste Abrenica ngayong araw, March 15.

Sa isang Instagram post, makikita si baby Avianna “Ava” na cute na cute sa solo at family photos na ibinahagi ng kanyang Mommy Sophie.

“Happy 1st birthday our sweet baby,” sulat ni Sophie sa kanyang post.

Ilan sa celebrities na nagpaabot ng kanilang greetings para kay baby Avianna ay sina Lolong actress Shaira Diaz, Ryza Cenon at marami pang iba.

A post shared by Sophie Albert (@itssophiealbert)

Makikita rin sa ilang post nina Vin at Sophie ang ilang precious bonding moments nila kasama si Baby Avianna na labis na kinaaaliwan ng maraming netizens.

Unang napabalitang buntis si Sophie Albert noong June 2020 ngunit kinumpirma ito ng celebrity couple noong February 2021.

Tingnan ang cutest photos ng anak nina Vin at Sophie na si Avianna sa gallery na ito: