
Hindi napigilan ng aktres na si Andi Eigenmann na maging sentimental tungkol sa kanyang panganay na anak na si Ellie.
Na-realize kasi niyang lumalaki na ito at mas natututong maging independent. Bittersweet ito para kay Andi dahil kahit nababawasan ang oras ni Ellie kasama niya, mas dumarami naman ang mga nagiging kaibigan at taong nakakahalubilo ng anak sa Siargao kung saan sila naka base.
"Pictures coming rare with this beaut lately. She's been busy growing up, that's why! I had to come up to her and ask a favor from one of her friends to take this pic. I could see her from a distance as I was busy fixing up at @kanaway.snackbar. I felt a bit sentimental as I watched her fondly hanging around exchanging giggles, and bustin out some tiktok moves with her group. Her circle has been growing on the island and it has been contributing to her character. Growing up to be so playful, and cheerful, and charming and so friendly! I love this girl!" sulat ni Andi sa kanyang Instagram account.
Samantala, proud naman si Andi na natututo na ring mag-surf ang kanyang mga anak na sina Lilo at Koa sa ilalim ng gabay ng kanyang pro-surfer fiance na si Philmar Alipayo.
Bukod dito, nakatakda ring magbukas ng isang surf school at snack bar ang magkasintahan.
Silpin ang kanilang masayang island life sa Siargao dito: