
Masayang ipinagdiwang ng batikang aktor, komedyante, at Eat Bulaga main host na si Vic Sotto ang kanyang ika-68 kaarawan noong Huwebes, April 28.
Bukod sa mga sorpresa at pagbati na natanggap niya mula sa kanyang noontime show, isang mini reunion naman ang inihanda ng pamilya Sotto para sa kanyang kaarawan.
Sa Instagram, ipinost ng asawa ni Vic na si Pauleen Luna ang larawan kung saan makikita ang pagdating ng mga Sotto sa kanilang tahanan upang ipagdiwang ang kaarawan ng aktor.
Spotted dito ang kanyang mga anak na sina Danica Sotto at asawang si Mark Pingris, Oyo Sotto, asawa nito na si Kristine Hermosa, at kanyang pamangkin na si Ciara Sotto.
Sa hiwalay na post, nagbigay din ng sweet birthday message si Pauleen para sa kanyang asawa.
Aniya, "My rock amidst the chaos. Thank you for your love, babe. I thank God everyday for your life. Happy birthday! I love you!."
Samantala, silipin naman ang mga larawan ng masayang relasyon nina Vic at Pauleen sa gallery na ito: