
May nakaka-touch na mensahe sina Mavy at Cassy Legaspi para kay Carmina Villarroel ngayong Mother's Day.
Sa episode ng Sarap, 'Di Ba?, isang sweet message ang ibinigay ng Legaspi twins para sa kanilang loving mommy na si Carmina.
Photo source: Sarap, 'Di Ba?
Ayon kay Cassy, si Carmina ay best blessing sa kaniyang buhay, "I want to greet my mother, Happy Happy Mother's Day. You are the best blessing I have had in my life.
Saad pa niya, iba ang pagmamahal ni Carmina bilang isang ina.
"You always put us first, it's true that a mother's love is a different kind of love."
Inamin naman ni Mavy na na-a-appreciate niya ang pagmamahal at pag-intindi ni Carmina sa kaniya.
"Ako naman gusto ko lang sabihin na Happy Mother's Day. Most especially for a son like me na very makulit and hardheaded. Pero tama nga 'yung sinabi ni Cassy na a mother's love will always be different. Kasi at the end of the day, kahit napaka-hardheaded ko, very understanding ka and very loving and na-a-appreciate ko 'yun every single day."
Ibinahagi rin ni Mavy na laging present ang kanilang mommy sa ano mang sitwasyon para sa kanilang pamilya.
Saad niya, "Sa lahat ng bagay din, mahirap man o madali, lagi kang nandon para sa amin most especially sa family, kung nahihirapan man kami, with tatay also, and everything like that. 'Yung mga kapatid mo, and dad, you're always there for them and I appreciate all the love and effort and sacrifices you made for us. Happy Mother's Day."
Tingnan ang mga magagandang photos ni Carmina dito: