
Lumabas ang pagiging komedyante ng Pepito Manaloto star Janna Dominguez sa naging birthday message niya para sa kaniyang long-time partner na si Mickey Ablan.
Sa Instagram post ni Janna, sinabi nito na na-appreciate niya ang mga sacrifices ng kanyang "Poging Jowa" para sa kanila.
Post ng Kapuso comedienne, “To my Poging Jowa♥️ @mickey_ablan Happiest birthday To you!!!(Ayaw nya palagay age nya untag nalang daw sya hahahah 🤣)
“May God bless you and guide you with every decision and plans you have.”
Dagdag niya, “Please know that He is with you all the time and Loves you unconditionally. We know it is hard to raise and support your family but we want you to know that you are are just doing fine.”
May nakakatawa din hirit si Janna kay Mickey na dapat sundan na nila ang bunso nila na si Julliann Gabriel. May dalawa pa silang anak na sina Yzabel at Micael.
Pabirong sabi Janna, “We are all in this together. Enjoy your Day and Treasure every bits (ambilis lumaki ng mga anak natin need na ng kasunod.
“Happy Birthday papiko. Me and your Tres marias love you so much.”
Balikan ang sexy throwback photos ni Janna Dominguez sa gallery na ito.