GMA Logo Kiray Celis and her mom Meriam
Celebrity Life

Kiray Celis, muling sinorpresa ang ina sa kaarawan nito

By EJ Chua
Published May 25, 2022 12:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Thieves drill into German bank vault and make off with millions
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News

Kiray Celis and her mom Meriam


Ano kaya ang yearly birthday gift ni Kiray Celis sa kaniyang ina? Alamin dito:

Si Kiray Celis ay hindi lang basta aktres at komedyante, siya rin ay kilala ng marami bilang isang mapagmahal na anak.

Sa latest post ni Kiray sa Instagram, ibinahagi niya ang ilang larawan at ang isang video na kuha mula sa birthday celebration ng kaniyang nanay na si Meriam.

Bago i-reveal ang kanyang regalo para sa kanyang nanay, isang prank muna ang isinagawa ng aktres.

Sa harap ng ilang bisita ay pinahatak niya sa kanyang ina ang isang decor sa lechon cake ngunit parte lang pala ito ng kaniyang prank.

Kasunod nito, makulit at masayang ni-reveal ni Kiray ang inihanda niyang totoong birthday gift para sa kaniyang nanay.

Bahagi ni Kiray sa caption ng kaniyang Instagram post, “Last year, 56 ka so 56k. Ngayon, 57 ka, 57 thousand pesos na. Ma, every year na ba 'to? Kasi sa July, 63 naman si papa. So, paano na ako? HAHAHAHAHAHAHA! Happy Happy Birthday Mama! Watch niyo prank ko kay mama swipe left! [laugh emojis].”

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)

Nito lamang February, isang prank din ang isinagawa ni Kiray sa kaniyang nanay tungkol sa kunwaring pagpapa-tattoo niya matapos ang kanilang Boracay trip ng kaniyang boyfriend na si Stephan Estopia.

Samantala, kilalanin pa si Kiray Celis at ang jowable niyang boyfriend sa gallery na ito: