
Lumipad na patungong Istabul, Turkey ang dalawang anak ni Ruffa Gutierrez, na sina Lorin at Venice, para makapiling muli ang kanilang amang si Yilmaz Bektas, isang Turkish businessman, matapos ang 15 taon.
Ika ni Ruffa, ang "beautiful reunion" ng mag-aama ay mangyayari ngayong weekend.
Si Ruffa mismo ang naghatid kina Lorin at Venice sa airport base sa kanyang Instagram post ngayong June 10.
Bahagi niya, "The girls are super looking forward to reuniting with their Baba and Turkish loved ones after more than a decade.
"My cuties, have a meaningful, memorable and fun trip! Take lots of pics & videos. Better yet, vlog! I love you."
Ikinasal sina Ruffa at Yilmaz sa isang magarbong seremonya noong 2003.
Taong 2007 nang inanusyo nila ang kanilang hiwalayan. Ayon kay Ruffa, nakaranas siya ng domestic violence mula sa dating asawa.
February 2012 nang ma-grant ang kanilang annulment.
Failed marriage man ang ending ng kanilang love story, happy and content naman si Ruffa ngayon kasama ang kanyang dalawang anak na sina Lorin at Venice, na bunga ng pagsasama nila ni Yilmaz.
Ika nga ng TV personality, "no regrets, just love."
Tingnan ang sweet moments ni Ruffa kasama sina Lorin at Venice sa gallery na ito: