
Game na game na nakipagsabayan kay Primetime King Dingdong Dantes ang anak na si Jose Sixto "Ziggy" Dantes IV habang nagwo-workout.
Sa Instagram Story na ibinahagi ni Primetime Queen Marian Rivera, mapapanood ang pagpapakitang gilas ni Ziggy sa pagbibilang habang sinasabayan ang ama sa cable face pull exercise.
Talaga namang bibong-bibo si Ziggy sa naging bonding nilang mag-ama. Makikita rin ang saya ng aktor habang pinapanood ang kanyang workout buddy.
Panoorin ang masayang bonding nina Dingdong Dantes at Ziggy sa Unang Balita:
Ipinanganak si Ziggy noong April 16, 2019, habang ang ate naman niyang si Zia ay isinilang noong November 23, 2015.
Samantala, tingnan ang pogi photos ni Dingdong Dantes sa gallery na ito: