
Mula sa pagiging aktres, hands-on mom naman ngayon si Ryza Cenon sa kaniyang anak na si Baby Night at gaya ng maraming first-time mom, malaki rin ang ginagawang adjustment ngayon ni Ryza para sa anak.
Sa Instagram, ibinahagi ng aktres ang kaniyang karanasan kung paano niya napakalma si Baby Night mula sa matinding pag-iyak at pagta-tantrums nito.
Ayon kay Ryza, madalas ay niyayakap niya lamang ang kaniyang anak tuwing ito ay umiiyak upang tumahan, pero nitong nakaraang araw ay hindi ganito ang nangyari.
Aniya, "Madalas kasi niyayakap ko siya kapag nagta-tantrums siya kanina ayaw niya ng hug ko. So ang sabi ko sa kaniya, 'Night, kay Dada ka magpa-hug kapag kailangan mo na.'
"'Nung yayakapin na siya ni Dada, ayaw niya, gumapang siya papunta sa akin tapos iyak pa rin ng iyak. Si Dada sasabihan niya dapat si Night pero pinigilan ko."
Imbis na pagalitan, hinintay niya lamang na tumahan at kumalma ang kaniyang anak at saka niya ito malambing na kinausap.
Kuwento niya, "Tapos kinausap ko ng mahinahon si Night, kinuha ko.. niyakap ko tapos tinanong ko sya anong problema? Habang hinihimas ko 'yung likod niya iyak lang ng iyak hanggang sa kumakalma na siya tapos sabi hug lang mommy kapag ganyan nararamdaman mo."
"Nag-play ako ng classical music, 'yung laging niyang pinakikinggan kapag mag sleep na siya. Hinihimas ko pa rin likod niya hanggang sa nakatulog na siya," dagdag niya.
Mula dito, nagbigay ng payo si Ryza para sa mga kapwa niya first-time mom na inaalam pa kung paano didisiplinahin ang kanilang mga anak.
Aniya, "Tips sa mga parents, kung nagta-tantrums ang mga babies n'yo hayaan n'yo muna sila, bigyan n'yo ng space. 'Wag natin sabayan 'yung tantrums nila. Meaning 'wag natin silang pagalitan, pagsabihan, o sigawan kasi mga bata pa sila hindi pa rin nila naiintindihan 'yung nararamdaman nila. Ngayon pa lang nila nadi-discover 'yung feelings or emotions nila."
"Minsan kasi kaya nagtatago ng nararamdaman 'yung mga anak natin dahil natatakot sila na mapagalitan. Kaya matuto tayo maging mahinahon sa bawat sitwasyon pagdating sa mga anak natin," payo pa ng aktres.
Oktubre noong nakaraang taon nang idaos nina Ryza at ng kaniyang non-showbiz partner na si Miguel Cruz kasabay ng first birthday ng kanilang anak na si Baby Night.
Slipin naman ang sweet mother and son photos nina Ryza at Baby Night sa gallery na ito: