
Ipinagdiwang ng maraming online netizens kahapon, July 5, ang panganganak ng social media influencer na si Viy Cortez sa anak nila ng YouTuber na si Cong TV na pinangalanan nila bilang si Zeus Emmanuel Velasquez o Kidlat.
Ilang oras matapos ang kanyang pagsilang kay Kidlat, ibinahagi ni Viy sa Facebook at Instagram ang larawan ng kanyang mag-ama na magkasama sa kauna-unahang pagkakataon.
"Kayong dalawa ang mundo ko, salamat Lord, salamat sa biyaya," caption ni Viy sa kanyang post.
Ang nasabing post ay umani na ng mahigit isang milyong love reactions sa Facebook at mahigit sa kalahating milyon likes sa Instagram.
Nagbahagi rin ng pagbati ang ilan nilang kapwa online influencers na sina Mimiyuuuh, Zeinab Harake, Kimpoy Feliciano, at Donnalyn Bartolome.
"CONGRATS MS. VIY AND SIR CONG!" pagbati ni Mimiyuuuh.
Sa TikTok, ibinahagi naman ni Viy ang video kung saan makikitang karga-karga ng kanyang asawa na si Cong ang kanilang anak na si Kidlat habang ito ay kanyang hinehele.
@viy.cortez ♬ original sound - u don't know me so shut up - loves beaches and sunsets
Samantala, silipin ang naging paghahanda nina Viy at Cong bilang first-time parents sa kanilang anak na si Kidlat sa gallery na ito: