
Sa larangan ng show business, mapapansin na hindi lang sa kanilang mga trabaho umiikot ang mundo ng celebrities.
Ilan sa kanila ay natagpuan na ang kanilang mga makakasama sa buhay at ang ilan naman ay nagkaroon ng maraming kaibigan.
Tulad na lamang ng celebrities na sina Sheena Halili, Chariz Solomon, Aicelle Santos, at Maricris Garcia.
Kamakailan lang, ilang larawan ang inupload ng singer na si Maricris sa Instagram, kung saan makikitang kasama niya ang ilan sa kaniyang mga kaibigan sa showbiz habang kasama ang kanilang cute na cute na mga anak.
Ayon sa caption ng singer, “Finally!!! Nagkita-kita na sila!!! Super fun playdate with Zandrine, AD, Martina and Andreas.”
Makikita sa mga larawan na magkakasamang nagsu-swimming at naglalaro ang mga anak ng apat na celebrity mommies.
Ayon sa isang interview, inilahad ng Kapuso singer na si Aicelle na nagsimula ang kanilang pagkakaibigan matapos nilang bumuo ng mom group nang magkasabay-sabay silang mabuntis noon.
Samantala, kilalanin ang cute celebrity babies na mayroong Instagram account sa gallery na ito: