GMA Logo Zeus Emmanuel Velasquez Kidlat
Source: Kidlat (Facebook)
Celebrity Life

Viy Cortez and Cong TV's son Kidlat now has his own Facebook and Instagram pages

By Jimboy Napoles
Published July 14, 2022 2:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP calls on parents, teachers to monitor minors' online activity after Tacloban shooting
Bagyong Francisco nga anaa sulod sa PAR, nagkakusog | Balitang Bisdak
This luxury brand is elevating pet care with dermatology and skin treatments

Article Inside Page


Showbiz News

Zeus Emmanuel Velasquez Kidlat


Welcome to the online world, baby Kidlat!

Excited na inabangan ng maraming fans ng social media influencers na sina Viy Cortez at Cong Velasquez ang pagsilang ng kanilang anak na si baby Zeus Emmanuel Velasquez o "Kidlat" noong nakaraang linggo, July 5.

Ilang araw matapos manganak si Viy, ay sunod-sunod itong nag-post ng mga larawan ni Kidlat upang ibahagi sa kanilang fans online.

Ngayong linggo, sinorpresa naman nina Viy at Cong ang kanilang mga tagasuporta sa bagong Facebook at Instagram pages na ginawa nila para kay Kidlat.

Laman ng nasabing social media accounts ang sonogram photo ni Kidlat noong nasa sinapupunan pa lamang siya ng kaniyang ina at ang kaniyang unang larawan matapos siyang ipanganak.

A post shared by KIDLAT (@zeusemmanuelvelasquez)

Makikita sa nasabing larawan na very cute at healthy si Kidlat na ngayon ay isa na sa cutest babies online.

Sa ngayon ay mayroon ng mahigit kalahating milyong followers si Kidlat sa Facebook habang may nasa halos dalawang daang libong followers naman siya sa Instagram.

SAMANTALA, MAS KILALANIN PA SINA CONG AT VIY BILANG PROUD PARENTS KAY KIDLAT SA GALLERY NA ITO: