GMA Logo Isko Moreno and Joaquin Domagoso
Celebrity Life

Isko Moreno, proud lolo sa unang apo sa anak niyang si Joaquin Domagoso

By Aimee Anoc
Published July 26, 2022 1:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Isko Moreno and Joaquin Domagoso


Isko Moreno "Isa sa mga blessings ay lolo na ako. Of course, I'm happy for Joaquin."

Isang proud lolo na ngayon si dating Manila mayor Isko Moreno sa una niyang apo sa kanyang anak na si Joaquin Domagoso.

Sa interview sa Modern Parenting, masayang ibinahagi ng dating mayor ang bagong blessing na dumating sa kanilang pamilya.

Photo by: iskomorenodomagoso (IG)

Ayon kay Isko, lalaki ang una niyang apo kay Joaquin at sa nobya nito. Ang pangalan nito ay Scott.

"Isa sa mga blessings ay lolo na ako," sabi niya. "I'm really enjoying it. I'm happy and grateful to God. Of course, I'm happy for Joaquin. Having a child, naturally, will create a certain mindset in terms of priorities."

Naging bahagi si Joaquin ng cast ng hit series na First Yaya at sequel nitong First Lady kung saan gumanap siya bilang si Jonas.

Ayon sa report ng GMA News, kinumpirma ng kinatawan ng Sparkle GMA Artist Center na isa ng ama ang 20-anyos na aktor. Nilinaw naman ng kinatawan na hindi itinatago ni Joaquin ang pagiging ama at nais lamang nitong maging pribado ang buhay ng bata at ina nito.

MAS KILALANIN SI JOAQUIN DOMAGOSO RITO: