
Isa sa highlights ng selebrasyon ng ika-38 kaarawan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ay ang espesyal na mga kantang inialay sa kanya ng dalawang anak na sina Zia at Ziggy.
Bukod sa regalong 'Mission to Venus' watch para sa ina, nag-alay rin ng matatamis na awitin sina Zia at Ziggy.
Ipinadama ni Zia ang pagmamahal sa ina nang kantahin ang "Kahit Maputi na ang Buhok Ko," na nakatanggap ng malakas na palakpakan mula sa mga dumalo.
Kitang kita naman ang tuwa ni Marian nang kantahan siya ni Ziggy ng "Can't Help Falling In Love."
Sa report ni Nelson Canlas ng 24 Oras, sinabing floral ang tema ng birthday celebration ni Marian na dinaluhan ng pamilya at malalapit na kaibigan sa showbiz.
TINGNAN ANG 38TH BIRTHDAY CELEBRATION NI MARIAN RIVERA RITO: