
Cute na cute ang anak ni Camille Prats na si Nala Camilla sa throwback photos na ibinahagi ng aktres sa Instagram.
Sa Setyembre, ipagdiriwang ni Camille ang 5th birthday ng kanyang unica hija.
"Throwback to Nala Camilla's [first] birthday theme... Princess Sarah. Time is indeed fleeting," sulat ni Camille.
Makikita sa post ni Camille ang malaking pagkakahawig sa kanya ni Nala noong kabataan niya. Taong 1995 nang bumida si Camille sa pelikulang Sarah... Ang Munting Prinsesa, ang Filipino adaptation ng Nippon anime na 'Princess Sarah.'
Bukod kay Nala, mayroon pang dalawang anak na lalaki si Camille, ito ay sina Nathaniel Caesar at Nolan Cristiano.
TINGNAN ANG MAGANDANG BUHAY AT CAREER NI CAMILLE PRATS DITO: