GMA Logo Cong TV and Viy Cortez
Photo by: Viy Cortez
Celebrity Life

Cong TV and Viy Cortez start building their dream house

By Aimee Anoc
Published September 2, 2022 3:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

UAAP: NU stuns UST, draw first blood in women's basketball finals
Barricade mulled below flyover, as DPWH sought to pay P1.9M debt

Article Inside Page


Showbiz News

Cong TV and Viy Cortez


Viy Cortez to Cong TV: "Tuparin pa natin ang mga pangarap natin [nang] magkasama."

Unti-unti nang nabibigyang katuparan ang pangarap na bahay nina Cong TV at Viy Cortez.

Sa Facebook, ipinakita ni Viy ang isinagawang groundbreaking ceremony para sa pagsisimula ng konstruksiyon ng kanilang dream house.

Kitang-kita rin ang saya nina Cong at Viy habang may hawak na pala kasama ang baby nilang si Kidlat.

"Congrats sa 'tin mahal magkakaroon na tayo ng sariling bahay," sulat ni Viy.

Binalikan din ni Viy ang pangako noon sa sarili na bago magkaroon ng sariling bahay ay dapat mabigyan niya muna ang kanyang mga magulang.

"After [two] years na nagawa ko 'yun binigyan ako ng Panginoon ng sobrang gandang bahay, sobra-sobra pa sa pinangarap ko. Totoo nga na 'pag 'di mo kakalimutan ang mga magulang mo sobra-sobra ang balik sa 'yo," sabi niya.

Dagdag ni Viy, "Tara love Cong TV, tuparin pa natin ang mga pangarap natin [nang] magkasama!"

Noong Hunyo, inanunsiyo nina Cong at Viy ang plano nilang pagpapagawa ng sariling bahay.

Ipinanganak nina Viy at Cong ang kanilang first baby boy na si Zeus Emmanuel "Kidlat" Cortez noong July 5.

TINGNAN ANG FIRST PHOTOSHOOT NG ANAK NINA CONG TV AT VIY CORTEZ NA SI BABY KIDLAT DITO: