GMA Logo mark herras and nicole donesa with house helpers
Celebrity Life

Kasambahay nina Mark Herras at Nicole Donesa, naiyak sa regalo ng couple

By Jansen Ramos
Published September 9, 2022 2:12 PM PHT
Updated September 9, 2022 2:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ysabel Ortega, nagtampo nang mag-solo trip si Miguel Tanfelix sa South America?
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

mark herras and nicole donesa with house helpers


'Yung mga gano'ng taong 'di blood-related sa 'yo pero tinuring mong pamilya kaya nga i-treat mo rin sila paminsan-minsan,' ani Nicole Donesa matapos nilang ipag-shopping ng mister niyang si Mark Herras ang dalawa nilang househelpers.

Nagbigay-pugay sina Mark Herras at Nicole Donesa sa kanilang dalawang kasambahay na sina Noel at Angel sa pamamagitan ng pagbibigay ng regalo sa mga ito.

Sa August 27, 2022 vlog sa joint YouTube channel ng celebrity couple, mapapanood ang pagpapa-car upgrade ni Mark at ang kanilang family bonding sa isang mall sa Quezon City.

Kasama nila ang house helper nilang si Noel na nag-aalaga sa anak nina Mark at Nicole na si Corky habang abala ang mag-asawa sa kanilang errands.

Matapos dalhin sa isang automotive service ang sasakyan ni Mark, nagtungo naman sila sa mall para mag-shopping at kumain.

Mapapanood sa vlog ang shoe shopping nina Mark at Nicole sa isang sikat na athletic shoes and apparel brand.

Dito na sinorpresa ng mag-asawa ang kanilang Kuya Noel nang papiliin din ito ng sapatos na gusto niya.

Hindi lang si Noel ang nakatanggap ng regalo mula kina Mark at Nicole, maging ang isa pa nilang kasambahay na si Angel, na naiwan sa bahay noon.

Ani Nicole, "We're buying shoes pero 'di lang para sa amin. We decided to buy our helpers sa house. Did you guys see a lot sa vlog namin si Noel at si Ate Angel?

"We decided to buy them shoes din dito sa Adidas kasi si Mark wala nang parents. Ako, 'yung parents ko nasa ibang bansa, nasa States. So talagang inaasahan namin si Noel at Ate Angel na tulungan kami lagi sa bahay, sa buhay.

'Yung mga gano'ng taong 'di blood-related sa 'yo pero tinuring mong pamilya kaya nga i-treat mo rin sila paminsan-minsan."

Ayon kay Mark, paraan nila ito para pasalamatan ang kanilang mga kasambahay.

Ika niya, "Si Noel at Ate Angel, 'di lang (sa 'min ni Nicole) lalo na kay Corky, (it's our way of) showing them (we value them) or thanking them. Magpasalamat lang tayo sa mga ginagawa nila."

Tinreat din nina Mark at Nicole sa isang Japanese food hall si Noel matapos ang kanilang mall shopping.

Nang makauwi ng bahay, inabot nina Mark at Nicole ang kanilang regalo para sa kanilang Ate Angel na naiyak nang makatanggap ng bagong sapatos.

Sa dulo ng vlog, nagbigay ng paalala si Nicole. "Always remember giving is always better than receiving and don't forget to share your blessings."

Panoorin ang buong vlog dito:

Nagkamabutihan sina Mark at Nicole nang magsama sa GMA afternoon drama na Bihag noong 2019.

Nagbunga naman ang kanilang pagmamahalan at isinilang ni Nicole ang unang anak nila ni Mark na si Corky noong January 2021.

Ikinasal ang celebrity couple noong September 2021.

SILIPIN ANG KANILANG FAMILY LIFE DITO: